Tuesday, January 25, 2011

Si Langgam at Si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.


"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"

"Oo nga, nag-iipon ako ngpagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.

"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."

"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon."

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

"Tok! Tok! Tok!" Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya.

"Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom."

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.


http://nigellus.multiply.com/journal/item/23

Katapusang Hibik Ng Pilipinas Andres Bonifacio

Spanish Period


Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag. 


http://www.angelfire.com/la2/poemen/Katpm.html

Mi Ultimo Adiós

Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante más fresca, más florida,
Tambien por tí la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchando con delirio
Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, ciprés, laurel ó lirio,
Cadalso ó campo abierto, combate ó cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

Yo muero cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el día trás lóbrego capuz;
Si grana necesitas para teñir tu aurora,
Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora
Y dórela un reflejo de su naciente luz.

Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,
Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor,
Fueron el verte un día, joya del mar de oriente
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor.

Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
Salud te grita el alma que pronto va á partir!
Salud! ah que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un dia
Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,
Acércala a tus labios y besa al alma mía,
Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría
De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.

Deja á la luna verme con luz tranquila y suave;
Deja que el alba envíe su resplandor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave
Deja que el ave entone su cantico de paz.

Deja que el sol ardiendo las lluvias evapore
Y al cielo tornen puras con mi clamor en pos,
Deja que un sér amigo mi fin temprano llore
Y en las serenas tardes cuando por mi alguien ore
Ora tambien, Oh Patria, por mi descanso á Dios!

Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por huérfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por tí que veas tu redencion final.

Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio
Y solos sólo muertos queden velando allí,
No turbes su reposo, no turbes el misterio
Tal vez acordes oigas de citara ó salterio,
Soy yo, querida Patria, yo que te canto á ti.

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas antes que vuelvan á la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan á formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido,
Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré,
Vibrante y limpia nota seré para tu oido,
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido
Constante repitiendo la esencia de mi fé.

Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adios.
Ahi te dejo todo, mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,
Donde la fé no mata, donde el que reyna es Dios.

Adios, padres y hermanos, trozos del alma mía,
Amigos de la infancia en el perdido hogar,
Dad gracias que descanso del fatigoso día;
Adios, dulce extrangera, mi amiga, mi alegria,
Adios, queridos séres morir es descansar.


http://www.fabulousphilippines.com/mi-ultimo-adios-jose-rizal.html

Ma Bagyo ma't may rilim

May bagyo ma't, may rilim
Ang ola'y, titiguisin,
Aco'y, magpipilit din:
Acquing paglalacbayin
Toloyin cong hanapin
Dios na ama namin.

Cun di man magupiling
Tocsong mabaomabaoin,
Aco'y, mangangahas din:
Itong libro'y, basahin,
At dito co hahangoin
Acquing sasandatahin.

Cun dati mang nabulag
Aco'y, pasasalamat,
Na ito ang liunag
Dios ang nagpahayag
Sa Padreng bagsiulat
Nitong mabuting sulat.

Naguiua ma't, nabagbag
Daloyong matataas,
Aco'y magsusumicad
Babagohin ang lacas;
Dito rin hahaguilap
Timbulang icaligtas.

Cun lompo ma't, cun pilay
Anong di icahacbang
Naito ang aacay
Magtuturo nang daan:
Toncod ay inilaan
Sucat pagcatibayan

Monday, January 17, 2011

epics

                                                                         Tuwaang

Tuwaang received a message of invitation from the wind saying that he should attend the long waited wedding of the Dalaga ng Monawon.

Don't go, Tuwaang, his aunt warned him. I feel that something wrong is going to happen to you there.
Don't worry, tiyang. I can take care of myself! he said firmly, determined to go.
You don't understand me, Tuwaang.
I'm not afraid of anything, tiyang. Right now, all I ever want is to have a glimpse of the beauty of the Dalaga ng Monawon.
Tuwaang just shrugged his shoulder and did not listen to his aunt. He insists to go and prepared to attend the grand wedding. He wore the clothes the goddesses made for him. He got the heart-shaped basket that could make the lightning move. He took along with him his sharp spear and shield and the long knife. He rode in the lightning and he soon reached the beautiful boundless plain of Kawkawangan. There, he found a gungutan, a bright colored bird that could talk. The bird wanted to go with him to the grand wedding so he took it along with him. When they reached the town of Monawon, they were politely let into the hall where the wedding would take place.
The guests started coming one by one. First to come was the young Binata ng Panayangan, then the charming Binata ng Sumisikat na Araw. Last to come was the groom, the Binata ng Sakadna who was with his one hundred well trained men. As soon as he arrived, the groom ordered all his men to drive away the guests who should not be there or those uninvited guests. Insulted, Tuwaang told the groom that they, the guests were all pulang dahon, which meant heroes. In short time, the ceremony started with the guests being offered several precious things that they should top with what they had. Two were left for the groom but the Binata ng Sakadna admitted that he didn't have a gold flute and a gold guitar to top what were left. Tuwaang came to the quick rescue. With his mysterious breath, he produced a gold flute, guitar and gong.
The beautiful bride came out of her room and started offering a bowl containing nganga to every guest. Then she sat beside Tuwaang that put the groom in a very embarrassing situation. The groom felt insulted and degraded. He went out the hall and challenged Tuwaang to a fight.
The Bagobo tribe has an epic hero named Tuwaang (Tatuwang), Tuwaang was a brave and strong warrior with various powers. In one story, he rode a lightning to the land of Pinanggayungan and later, met the maiden of the Buhong Sky who was running away from the young man of Pangumanon: A giant with great vigor. Tuwaang and the giant fought but it was an even match. So the giant used his magical powers and threw a flaming bar at the hero. Entwining itself at Tuwaang, our hero escaped this ordeal and used his own magical ability to call the wind to fan the flames and let the giant be engulfed by the flames.